Zombie Nation


Ang Zombie Nation ay pinaka panget na movie na napanuod ko sa buong buhay ko.. and to think marami nagrerent nito dahil mabibighani ka sa cover nito na ubod ng nakakatakot ang dating. pero malamang kinuha nila ang picture nito sa ibang movie dahil ni hindi ko nakita ito sa movie.


Una ang storyline?plot ng story ay sobrang nakakainis, walang dating at walang saysay, yung make up ng zombie ay parang mga panda bear lang. dahil may round black spot lang na naka bilog sa parteng mata. bukod dun wala na. Special effects :zero, soundtrack. ngayon lang ako naka panuod ng movie na pag umaatake yung zombie disco yung tugtog. diko tuloy alam kong masisindak ako o mapapaindak. yung set para lang isang bodega ang ginamit nila for the whole movie, and i think 2 araw lang nila ito ginawa. pati costume walang kwenta..


Sa sobrang panget nito di nito deserve ang any rate.

Knocked Up

BABALA:
Kung makikita nyo ang lalaking ito na may mga sumusunod na katangian:
(1) mataba;
(2) kulot ang buhok;
(3) malakas magyosi;
(4) ang pangalan ay BEN;

ay iwasan ang taong ito! Sya ay makamandag!

Akalain mo, sa isang one-night stand lang (oo, alam kong redundant yun!) ay najontis yung babae! Ayan kasi, pasele-celebrate celebrate pa kasi sa club at meeting-meeting guys pa. Kaya lang, maiiwasan ba ang drinking and socializing? Malamang hindi. At syempre may take-home partner pa.

At any rate, pinilit namang ayusin ni Alison Scott (Katherine Heigl) ang pangyayaring ito.

"Papa don't preach, papa don't preach" nag-parang Madonna si Alison kasi she's gonna keep her baby. At nalaman rin nya what a loser Ben Stone (Seth Rogen) was. Wala syang work, dude pare. Tapos mga friends nya, laging stoned dude.

Things get worse as Alison sees her sister's marriage fall apart right as well. Depressing di ba?

The movie is an in-your-face situationer that, unfortunately, confronts a problem that is becoming all-too-common in society: unwanted pregnancy. It is a dilemma that can make or break families, and drastically change your life choices, so much so for the woman.

So bago kayo mapa-bilib sa pag-review ko ng pelikulang ito, I give it 4 hard boiled eggs for realism and engaging story development.


Ang pelikulang GOD LUCK CHUCK ay pinangunahan ni Jessica Alba(CAM) at ni Dane Cook (Chuck/Charles). Ito ay tungkol sa isang lalaki na sinumpa na hindi magiging maligaya, ng isang batang adik adik na weirdo na may pag ka satanista nuong bata palang sila. Hindi kolang alam ha pero maraming na barurut si chuck at naging sikat siya dahil sa sumpa... na lahat ng maka do nya ay makakapag asawa ng kanilang pangarap na lalaki. Dahilan para hanapin at pilitin siyang makipagtalik ng mga babae.
Para sa akin agimat yun at di sumpa.. isipin nyo makikipag do ka tapos walang commitment. Ka sarap naman ng buhay nya.
Okay din naman si Jessica Alba pero diba sinong lalaki ang ayaw ng buhay ni chuck... tsaka masyadong careless si Alba kung di lang siya anak ni Panchito Alba malamang diko siya pinanuod eh.
Simula plang kasi puro na kamalasan ang ginawa niya kay chuck. Pero okay lang dahil nga type nya ito, nariyan yung masugatan siya, masira yung kotse nya tapos nagpapahard to get.
Marami naman akong di kayang matake sa movie. yung makipag do dun sa dalawang matabang babae. tapos yung isa may galis aso pa. yung isa dinaan sa paawa effect. Di na ito makatotohanan, at ayaw ko isipin baka mapanaginipan ko pa.
Okay din yung barkada nya na surgeon, kaso di ba sya nagsasawa puro boobs nakikita nya. well i wish yun ang job ko. kaso huli na ang lahat.... overall entertaining yung movies with no sense of values ... rating ko....
isang itlog na bugok


Pagkagaling ko sa Majayjay kung saan duon ko dinaos ang aking weekend, at kahit pagod na pagod at medyo nanlalata, niyaya ko ang aking gf na manuod ng sine at kumain sa labas. at siempre dahil matagal tagal narin ang paghihintay ko para sa resident evil 3 hindi ko ito gusto panuooring sa opening day dahil baka marami ang tao. kaya eto na
Resident Evil Extinction ay pangatlong pelikula ng resident evil, Para sa akin napakaganda ng pelikulang ito simula sa 1 hanggang sa ikatlong palabas nito, at kahit di ko na nilalaro yung game dahil sira ang ps2 ko ngayon, natutuwa pa rin ako dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng part 4.. Maganda ang pagkagawa at ayos naman ang naging storyline kahit ba isipin natin na puro zombie ang kalaban at paminsan minsan ay may mga mutation ng t virus, hindi ito nagging sagabal sa kagandahan ng pelikula. Naging mas nakakagimbal din ang mga Super Zombie na ininhance nila ang kapasidad ng isip at naging mas agresibo. At siempre okay ding yung mga uwak sayang lang naging fried uwak.


Okay yung mga stunts sa pelikula, plus naging ayos din yung pag papakita ng kapangyarihan ni Alice, hindi siya over. Sakto lang siya.

Mga hindi ko nagustuhan eh yung nakakagat kay Carlos, Si Lj, napaka sayang kasi eh alam nya naman na magiging zombie siya nagpapaka tao pa sya dapat nag pakamatay nalang siya, para di siya nakapandamay.. Tsaka yung mga scavengers na nakalaban ni Alice, bad trip makaka isip ka pa ba ng libog sa mga oras nay un… buti nga sa kanila kinain sila ng mga awaw.


… pero isa lang ang napansin ko lagi lang nakahubad si Alice sa bawat palabas ng resident evil.. sa one sa two at dito sa three, malamang type ng director si Mila Jovovich,
Tsaka marami pala silang magkakapatid noh , magkakamukha pa, siya lang sumikat. Yung iba extra lang kung di nakahiga sa tapunan ng bangkay ay andun sa supot na may tubig.

NAPAKAGANDA I LIKE IT A LOT

Newer Posts Older Posts Home