Pagkagaling ko sa Majayjay kung saan duon ko dinaos ang aking weekend, at kahit pagod na pagod at medyo nanlalata, niyaya ko ang aking gf na manuod ng sine at kumain sa labas. at siempre dahil matagal tagal narin ang paghihintay ko para sa resident evil 3 hindi ko ito gusto panuooring sa opening day dahil baka marami ang tao. kaya eto na
Resident Evil Extinction ay pangatlong pelikula ng resident evil, Para sa akin napakaganda ng pelikulang ito simula sa 1 hanggang sa ikatlong palabas nito, at kahit di ko na nilalaro yung game dahil sira ang ps2 ko ngayon, natutuwa pa rin ako dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng part 4.. Maganda ang pagkagawa at ayos naman ang naging storyline kahit ba isipin natin na puro zombie ang kalaban at paminsan minsan ay may mga mutation ng t virus, hindi ito nagging sagabal sa kagandahan ng pelikula. Naging mas nakakagimbal din ang mga Super Zombie na ininhance nila ang kapasidad ng isip at naging mas agresibo. At siempre okay ding yung mga uwak sayang lang naging fried uwak.
Okay yung mga stunts sa pelikula, plus naging ayos din yung pag papakita ng kapangyarihan ni Alice, hindi siya over. Sakto lang siya.
Mga hindi ko nagustuhan eh yung nakakagat kay Carlos, Si Lj, napaka sayang kasi eh alam nya naman na magiging zombie siya nagpapaka tao pa sya dapat nag pakamatay nalang siya, para di siya nakapandamay.. Tsaka yung mga scavengers na nakalaban ni Alice, bad trip makaka isip ka pa ba ng libog sa mga oras nay un… buti nga sa kanila kinain sila ng mga awaw.
… pero isa lang ang napansin ko lagi lang nakahubad si Alice sa bawat palabas ng resident evil.. sa one sa two at dito sa three, malamang type ng director si Mila Jovovich,
Tsaka marami pala silang magkakapatid noh , magkakamukha pa, siya lang sumikat. Yung iba extra lang kung di nakahiga sa tapunan ng bangkay ay andun sa supot na may tubig.
NAPAKAGANDA I LIKE IT A LOT
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment