Stardust


Nagkaroon na ng mga pelikula na bagama't bigatin ang mga artista ay hindi maganda ang kinalabasan kaya't hindi rin ako nag-e-expect na mapapabilib ako ng pelikulang ito. Pero dahil sa ganda ng trailer nya ay inabangan ko na rin lang ang Stardust.

Ito ay tungkol sa pagmana sa trono ng kahariang Stormhold, ang lugar ng kababalaghan na nahihiwalay sa lupain ng mga tao sa pamamagitan ng isang mababang pader. Sa kagustuhang maibigay ng masugid na manliligaw na si Tristan ang isang kakaibang bagay na syang magiging dahilan ng pagpapakasal ni Victoria (na wala naman talagang gusto sa kanya) ay sinabi nyang kukunin nya ang falling star na nakita nilang nahulog mula sa langit isang gabi. Kaya lang, ang bituin na ito ay nahulog lampas sa pader kung kaya't ginoyo ni Tristan ang tagabantay ng pader para makalusot sya sa kabila. Dun nya nakita si Yvane. Isang dilag pala yung falling star. Dahil sa pangako kay Victoria ay pilit nyang dinala si Yvane sa kanyang paglakbay pabalik sa mundo ng tao.

Marami silang adventure na pinagdaanan. Tinutusig sila ng mga tagapagmana ng kaharian ng Stormhold, at ng mga witch (istarring Michelle Pfeiffer!) rin dahil makakapagbigay ng youth ang puso ng falling star, at nahuli rin sila ng pirates (istarring Robert de Niro!). Si Ms. Pfeiffer ay napakahusay bilang isang witch. At ganun rin si Mr. de Niro na ang husay ng pagkakaganap bilang isang... pirate! Kakaibang pirate!

Basta panoorin nyo na lang. Fairy tale adventure sya na may love overture. Sa sobrang aliw ng pelikulang ito ay pinanood ko pa ng pangalawang beses kasama ang iba kong kaopisina at sila rin ay sobrang na-in-lab sa Stardust. Pramis.

5 eggs for this wonderful movie!

0 comments:

Newer Post Older Post Home