I AM LEGEND


Ang pelikulang I Am Legend ay base sa nobelang sinulat ni Richard Matheson's. Ito ay binidahan ni Will Smith na gumanap bilang si Robert Neville. Malaki ang kinita ng pelikulang ito at umani rin ito ng magandang review sa mga kritikong katulad ko. Di ko man nabasa ang libro nagagandahan ako sa pelikula, lalo na sa mga mala bampirang kalaban ni Will Smith, na nabiktima lamang ng virus na ginawa ng bida bidang doktora na kumalat sa buong kapaligiran. Di ko lang alam o diko naintindihan bakit parang naging immune siya sa virus, di ko rin alam kung bakit may kuryente parin siya sa bahay bagamat wala ng ibang taong magtatrabaho sa electric company nila. Naka jumper lang ba siya. tsaka di pa ba expired yung mga pagkain nyang de lata.

Naaawa ako at naiinggit sa kanya biruin mo antagal niyang nabuhay mag isa, wala siyang kausap kundi yung aso at mga manikin. Pero okay lang dahil parang kanya na ang buong new york. Sa umaga nga lang. Laking tuwa ko nung may dumating na ibang tao tapos babae pa. naisip nya kayang i do yung girl, tumigas kaya yung pututoy nya. Sayang nga lang unang gabi nila eh inatake sila nga mga monster .

Well maganda ang pelikula kahit tinipid sa characters puro lang manikin, tapos yung kontrabida walang dayalogo. Tapos tagal ko hinintay wala naman si Jaworski dun sa pelikula.. eh dapat siya ang bida dun dahil siya yung living legend. Punong puno ng aksyon ang bawat eksena di ka maboboring dahil sobrang iksi. Bitin my gulay

0 comments:

Newer Post Older Post Home