Ito talagang si pareng Stephen King, ang galing gumawa ng istorya. Mula noong napanood ko ang kanyang Silver Bullet ay talaga namang na-engganyo akong abangan mga pelikula na hango sa kathang-isip nya. Kaya lang... ewan ko ba. Hindi ako ginanahan magbasa ng libro nya. Noong college ay sinubukan ko yung It pero nasa chapter 2 pa lang ako ay umayaw na ako. Teka... yung Christine yata nabasa ko.
Anyways, nung nalaman kong kay Stephen King ang pelikulang ito ay syempre di ko to palalampasin!
Ang isang town sa Bridgton, Maine ay biglang nagkaroon ng malakas na bagyo isang gabi. Tapos sumunod na araw, nagkaroon sila ng fog. Masaya sana kasi para kang nasa Baguio pero ang makapal na fog na ito ay nagdala ng salot! Cmon it.
Mga alien life forms na carnivorous ang kasama ng mist na ito. This time around, hindi humanoid ang form at hindi scalpel at laser ang dala nila, kasi mga monstrous animals ang mga ito.
Kung may mga monsters sa labas at na-trap ka sa loob ng supermarket, anong gagawin mo? Lalabas ka ba? Kung ako tatanungin mo, malamang hindi. Pero boring na pelikula yun di ba? So ayun, may mga lumabas. Labas-masok nga sila eh. May minalas, may sinwerte.
Pero aside from the horrifying situation they are in, Stephen King also made a play on human emotions. Nagkaroon ng faction sa loob ng store: ang mga gustong mag-stay, at mga gustong lumabas. Teka... parang The Stand ito ah.
Anyway, yung mga gustong mag-stay, may leader sila. Isang religious fanatic na nagku-quote sa Bible at sinasabi nyang dumating na ang paghuhukom. Problema, delusional sya. So nang sumusunod na sa kanya yung iba, alam na nung kabilang party na delikado sila. Gagawin silang sacrifice! Ewww.
Teka. Panonoorin mo ba ang pelikulang ito? Hehe sorry po napagana ako sa pagkwento. I like this movie because it was suspensful and engaging. Talagang edge-of-the-seat thriller. Kaya lang... the ending is one of the biggest let-downs ever in a movie so far. But who's to say that you must like the ending of all movies to enjoy them? I think the movie was contrived to make you feel downtrodden and depressed at the end. And it was successful in that objective. So therefore... I like the movie and at the same time I did not like it. Pero maganda yung movie. Ang labo no? Panoorin nyo na lang to get my drift.
Labels: The Mist
0 comments:
Post a Comment