300



Ang pelikulang 300 ay base sa nobela ni Frank Miller sa kanyang interpretasyon sa naganap na digmaan sa Thermopylae sa pagitan ng mga spapartans at mga evil persians na pinamumunuan ni mother xerxes and its solid gold dancers.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikulang eto at malaki ang kinita kahit maliit lang ang budget:

una wala masyadong sikat dito sa pelikulang eto,

Pangalawa pulos special effects lang ang ginamit dito,

pangatlo ang mga costume naman ay pulos tuwalyang pula lang, brief at tsinelas ang pinasuot ng mga spapartan. mayhawak na palanggana at panungkit ng sinampay. Kung iyong iisipin mukha lang silang maglalaba. buti nalang suot nila ang kanilang malupit na helmet na ginagamit nilang pang walis sa bahay.

Pang-apat, karamihan ng cast nila pipi at yung iba walang dialogue, tsaka yung mga pinagkukuha nga nung mga Arcadian na warrior hindi tutuong mga artista nung tinanong yung iba karpentero yung iba gumagawa ng palayok, yung iba pintor ng bahay. Yung sa spapartans naman mga pipi kasi nung tinanong nag si kahol ba naman. pansin nyo rin

Ang mga astig naman

Marami ang nagandahan sa mga fight scene pero kaya pla magaling sila leonidas kasi mabagal pala kumilos yung kalaban, naka slow mo kaya. Pero kahit anong galing nila masyadong madami yung evil persians, pano naman di dadami eh pag namamatay daw bumabangon ulit, para yung mga hapon dun sa palabas ni FPJ yung the one na namatay siya pero di pinakita kasi bawal siya mamatay sa pelikula. (well diko alam ang title). Tsaka di nyo napansin yung mga immortals magkakamukha. Kaya ang tagal maubos pag namatay yung isa, babangon tapos pupunta lang ulit sa likod tapos lalaban ulit. and daya dba.

Mga intriga

May nababalita na di naman sila 300 talaga una pinauwi nila si Faramir para gumawa ng kwento, tapos sabi nung barkada ko binilang daw niya yung pares ng paa di naman daw umabot ng 300. Naguluhan din ako bakit andun si golum at si faramir kala ko tuloy yung 300 part 4 ng lord of the rings.

warning
Ang pagbabasa nito ay maaaring magdulot sa iyo ng ibang pananaw sa buhay. Ito naman ay mga opinyon lamang namin kung di mo gusto ay gumawa ka ng sarili mo

0 comments:

Newer Post Older Post Home