Ang Transformers ay pelikula base sa kartuns nuong dekada 8O, ito ay tungkol sa away ng dalawang grupo ang mga decepticons at ang autobots.
Matagal tagal din ang hinintay namin para sa ganitong pelikula, at pagkatapos ng 2 dekada ay nagawa nilang pelikula ang isa sa mga household name pagdating sa cartoons. (duon sa mga edad 16 pababa paki tanong sa mga erpat nyo dun naman sa edad 50 pataas hindi po ito ang pang convert ng 110 to 220).
Exciting ang movie, masasabi kong isa ito sa magiging blockbuster ngayong taong 2007. Di dahil ito ay maganda o magaling kundi dahil ito ay transformers. Isa ito sa movie na kahit sabihin mong pangit ay papanuorin ng tao dahil ito ay transformers.
Marami akong di nagustuhan sa pelikulang eto. una di ko nagustuhan ang mga itsura ng mga robot, kaya naging click ang transformers nuon dahil kahit papaano may similarity sa tao ang mga mukha nila, ngayon robot na robot ang itsura nila. Pangalawa hindi rin maganda ang pag transform, sana mas maganda kung simple lang pero nakikita mo kung saan napupunta yung mga body parts, hindi yung parang dinadaan sa bilis para lituin ang tao. Pangatlo yung mga kotseng ginamit. i think mas okay kung nag stick tayo dun sa cartoons regarding this. specially si bumblebee kilala si bumblebee bilang kotseng kuba. Pano na yung matagal na kaugalian ng pilipino na pag nakakita ng kotseng kuba ay tatawagin si pendong sabay batok sa katabi. Ilan ding magakaibigan ang nagaway dahil napalakas ang batok dahilan para mapikon ang kasama.
Eh ano ba naman ang pendong na kumatok sa utak mo na muntik ka ng mahimatay dahil sa sobrang lakas ng impact, ano ba naman ito kumpara sa pagkakaibigan. Ito ang nirerepresent ni bumble bee sa pinas, tawag sa kanya ay Pendong.
Masama rin ang impresyon na ibinibigay ng sine, na kailangan mo ng kotse para magka girlfriend, pano naman kaming hirap magkakotse dito pa sa pinas matagal ang lifespan ng mga kotse at di basta basta pinamamana sa mga anak, tapos mahal pa ng gas. haaaaay
Ang mga astig naman
What i like about this movie is it brings back memmories, specially dun sa toy part. Kung naalala nyo dalawa ang bumibili nang transforming toys, isa yung transformers at isa yung challenge of the gobots. Isa ako sa bumibili ng challenge of the gobots toys sa kadahilanang mas mura ito at dahil mas mura ito.
Mga Katanungan
Kung si Megatron ay matagal ng nakatago sa america, sa kanya ba nakuha ang salitang illegal alien at overstaying alien? Pero diba dahil sa sobrang tagal nya na sa America pwede na sya kumandidato, kasi pwede syang gawing naturalized citizen?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment