I now pronounce you Chuck and Larry

Time and again sinasabi ko sa sarili ko na "Rules are made for men, men are not made for rules." Ibig sabihin lang nito ay kapag hindi nakabubuti ang isang rule sa nakararami ay kailangang i-amend ito.

Nagkaroon ng problema si Larry (Kevin James) kasi hindi nya nailipat ang beneficiary sa pangalan ng kanyang mga anak noong sumakabilang buhay ang kanyang better half. Sa sobrang pagmamahal nya ay umabot ng mahigit isang taon ang kanyang pagdadalamhati, at nag-lapse ang panahon na pwede nyang palitan ang beneficiary. Kung kaya't hinumok nya ang kanyang partner sa Fire Station na si Chuck (Adam Sandler) na pumasok sila sa isang domestic partnership para maayos ng mabilisan ang mga papeles.

Napasok sila sa mga sitwasyon na sila ay nakaranas ng discrimination tsaka kung anu-anong chorvanes. Gusto ba naman sila machugi sa work! Chenes talaga yung mga katrabaho nila. Orocan! Nung sila ang may kelangan ng tulong, binigyan sila nina Chuck and Larry nang walang hinihinging kapalit. Pero noong nabalitaan nila yung domestic partnership ni Chuck and Larry, nag-sign ba naman ng petition para mapaalis sila ng trabaho! The nerves! Grabe ang mga eklabush na itu.

Oops teka... spoiler yata yun... sowee.

Pero, syempre ok ang ending. Dapat lang or else sayang yung pinambili namin ng ticket, popcorn at iced tea! We came to be entertained at na-entertain naman kami. Highest level nga e! Bagama't the movie tackled a rather sensitive topic on homosexuality, hindi sya eeeeewwwww. Tawa kami ng tawa. Hahahaha.

We love this film. I give it 4 eggs!

0 comments:

Newer Post Older Post Home