Nanood kami kagabi ng 10000 BC sa Glorietta. Medyo mahilig akong magresearch ng konti tungkol sa isang pelikula bago ko ito panoorin, salamat sa Internet, so medyo alam ko nang may temang love story ito kahit na parang pang high-adventure ito sa trailers nya.
Medyo natawa ako sa sarili ko kasi nagpaalala sa akin ang pelikulang ito ng mga sumusunod:
Ice Age - dahil sa woolly mammoth at sabre-toothed tiger;
Final Fantasy - dahil sa mga prehistoric birds na mukhang Chocobo;
Jurassic Park - dahil sa mala-prey and predator theme sa masukal na talahiban ay naalala ko ang velicoraptors;
Milli Vanilli - hindi ito pelikula pero wala lang, naalala ko ang Milli Vanilli dahil sa hairtyles nila;
300 - dahil sa advanced civilization na naging kalaban nila;
StarGate - dahil rin dun sa pyramids;
300 ulit - dahil kay evil Xerxes and and the spear-throwing eksena.
O ha. Ang dami kong nadeja-vu na movies habang pinapanood ito. Buti na lang medyo ok ang multitasking powers ko at naintindihan ko yung pelikula.
To make the long story short (at para hindi ako makapagsabi pa ng spoilers kasi kalalabas pa lang nito at baka mabatukan nyo ako kung makwento ko ang mangyayari), ito ay essentially love story. Para bang itinadhana. Dahil nga sa prehistoric times ang tema nito at wala pang masyadong teknolohiya ay malakas ang kanilang dalangin sa superstisyon (tama ba?) Himala naman at nagkakatotoo ito. Malaki ang parte ng mga hula at propesiya sa pelikulang ito.
Para sa mga taong mahilig sya accuracy in terms of the environment, hindi ito gaya ng Jurrasic Park na talagang nag-research pa sila para makuha ang prehistoric theme ng accurate. Dito ay makakakita kayo ng meat-eating birds na palagay ko e kathang-isip lamang pero meron rin naman mammoth at sabretooth dito. O ayan may lumusot na isang spoiler ulit. Basta, ang environment nya ay parang sa planeta natin noong Ice Age pero parang mali kasi may elements na hindi angkop sa panahon na yun. Ito ay sinadya, kaya't the sooner you get over it, the better you will be able to appreciate the film.
Medyo straightforward naman ang istorya. Walang twist na mapapa-isip ka. Tipong eye-candy ang movie na ito. Pero na-enjoy ko naman sya. May konting comic relief rin at tragedy. I recommend this movie! 4 eggs ang rating, one for each zero of its title!
Labels: 10000BC
cge pestengyawaka
niel said...
July 21, 2013 at 9:54 AM