Pasensya na dahil di ako nanunuod ng sine at eto ang nahiram ko sa video city.......
Ito ay istorya tungkol sa 2 nilalang na college sweethearts na pagdating na ikalimang taon ng kanilang relasyon ay nagkaroon ng matinding pagsubok na di kinaya ng isa kaya ito ay bumitaw. Maaaring ito normal ay na nangyayari sa panahong ito at marami ang nakakarelate dito pero para sa akin iba ang gagawing kong katapusan sa palabas na ito. Masyadong pinilit ang happy ending, at para sa akin may mga naagrabyado.
Hiniwalayan ni Basha (bea alonzo) si Popoy (john lloyd cruz) dahil sa kawalan ng space, marahil sa pagiging possesive nito at pagiging bossy, maari din dahil sa loob ng 5 taon nawala ng kaunti ang saya at napalitan ito ng pagkainis dahilan para humingi ng espayo at makipag break..
Para sa akin magandang dahilan ang pakikipaghiwalay kung di ka na masaya sa relasyon pero dapat do it in a right way, hindi yung bigla kanalang iiwas na parang walang nangyari at least try to be nice to the person you are breaking up with para mas madali nya matangap hindi yung kaya nya tatanggapin eh dahil wala siyang choice.
Think also about the feeling of that person wag naman selfish na dapat tangapin nya yun dahil yun ang gusto mo. remember 5 years is 5 years kung 5 years ang nawala sa iyo 5 years din ang nawala sa kanya. and i admit it mas mahirap sa lalake ang maiwan dahil wala masyadong nalalapitan ang lalaki, well pa macho epek kaya di sila masyado nagkukwento and kung mag kwento naman sila sa mga barkada 90 percent dito sasabihin tara iinom natin yan. at yung 10 percent 5 dito sasabihin pare ang corny mo marami pa diyan.
Meron ding disadvantages ang same circle of friends dahil pag minalas malas ka malamang mas loyal sila dun sa partner mo. Tapos siempre dapat mo ring isipin na pag may gimik ang barkada nandun yung possibilities na may karag karag na new partner yung ex mo. Eto pa pag wala kayo kayo ang topic sa kwentuhan.
Tapos sayang yung fact na naka recover siya. after all the trials na hinarap nya na ultimo masira ang buhay nya na ni hay ni hoy wala siyang nakuha kay basha dahil busy siya sa new found happiness nya and wala ng pakialam sa kanaya si basha, eh in the end makikipag balikan lang pala siya.
In reality hindi mangyayari yun dahil so much pain ang na experience nya and the fact na hindi maganda yung paghihiwalay nila masyadong masakit yun para sa isang tao para gawin nya pa ulit. Maganda nga yung reason dahil walang nanloko pero yung way ng pakikipaghiwalay ay nuknukan ng pangit. Kahit sino ay magagalit dun sa taong nakipaghiwalay, at naniniwala ako na para maka recover ka sa ganitong pangyayari eh kahilangan mo talagang mag move on, kailangan mong tanggapin na hindi talaga kayo para sa isat-isa. Dahil magkaroon kalang ng konting hope tungkol sa pagbabalikan eh hindi mo ganap na makukuha ang total recovery.
At kahit magkabalikan man kayo alam mo na hindi na magiging ganun katulad ng dati, dahil mas maingat ka ng ibuhos ang lahat dahil sa takot na baka mangyari ulit ang sakit. Sino nga naman ang gustong masaktan ng sobrang sakit na humahagupit sa buong katawan. Ano ang mangyayari sa relasyon na puno ng doubt and insecurity, walang magtatagal ng ganitong klaseng relasyon.
Tsaka paano na yung taong nag-alaga sa yo during the time na down na down ka. Okay lang iwanan yun kung di mo mahal pero kung mahal mo siya diba makukunsensya kang gawin sa kanya yun, dahil alam mong masasaktan siya, and mas careful kang gawin iyon dahil nangyari na sa iyo.
Sa akin lang dapat hindi na pinili si Bea at nag stick nalang siya kay Maja (rocker chick) and kung maghihiwalay man sila ni Maja sa ibang dahilan then so be it. Wag lang maging dahilan si Bea, Okay lang kung i do nya ulit wag nya lang balikan. HEHEHEHE pero kung ganun naman ang nangyari edi hindi na ONE MORE CHANCE yung title nung movie.
0 comments:
Post a Comment