Isa ito sa aking pinakahihintay na movie sa taon na ito. Kung kaya't bilang paghahanda ay binasa kong muli ang mahigit 800 pages na book last month. At syempre, pinakahihintay ito kaya't first day of showing pa lang e pinanood ko na! Go go go! Todo bili ng food and drinks kasi nga, halos 2.5 hours ito.
Kaya lang ... medyo nagsisisi ako kung bakit binasa ko pa ang libro kasi heto ang palagi kong naiisip habang nanonood:
Nye. Bakit ganun?
Bakit ganun?
Ha? Bakit ganun?
Ganun ba yun?
Ba't nagkaganun?
What the ...?
Anya met! Apay kasjay?!
Ha?
Bakit ganun?
Opo ladies and gentlemen, ang daming ginawang pagbabago sa libro. Sa dami ng ginawang alteration eh hindi ko lubos maisip kung paano ito lumusot kay J.K. Rowling. Never mind na maganda ang mga reviews sa rottentomatoes kung saan nagbabasa ako bago manood ng sine. Bigla ko tuloy naisip, "majority of the critics there aren't really Harry Potter fans to begin with. They mustn't have read a single book." Oo, napa-inggless ako sa isip ko dahil nahiwagaan ako sa "glowing reviews" nila.
Yung si Dolores Umbridge pa lang, hindi na bagay sa role. Sa book, ang description sa kanya ay mukha syang palaka. Si movie, hindi ito nagampanan. Although nakakainis sya, in fairness. Pwedeng pwedeng maging kontrabida. Yun bang sooo pleasant looking at siguro kung nakaharap ako sa kanya ay nakangiti rin ako, pero ngiting-aso (plaaastiiik!) at na-i-imagine ko nang i-flying kick sya. C'mon.
Tapos si Hermione, bakit ganun? Parang palagi syang hinahapo when she says her lines at nakakunot noo nya palagi?
They tried to cram so much of the book into 2hrs 20 minutes that wala ka nang makitang character development. Tapos ang dami nilang binago sa original story! Ililista ko sana dito pero baka manonood pa kayo, so yung observation ko kay Dolores at Hermione lang maibibigay ko.
They've all grown-up, including Dudley
Pero ang pinaka highest level hard to believe sa movie, ay pinalitan nila yung nangyari sa duel nina Professor Dumbledore at Voldemort! Naman namannnn.
So ang tip ko sa inyo para ma-enjoy ang latest Harry Potter flick:
1. Hwag nang mag-review nung book at talagang malilito ka lang.
2. Sana hindi ka die-hard Harry Potter book fan.
3. Basahin ang tip #1 and #2.
Di hamak na mas maganda ang rendition ni Direk Cuaron sa Harry Potter. Ayoko nang malaman kung sino director at scriptwriter ng movie na ito. He-who-must-not-be-named sila!
Ang review na ito ay coming from the point of view of someone who really enjoyed the books. Bakit yung Azkaban at Goblet movies, kahit may modifications eh they managed to pull-off a wonderful screen adaptation? But this one.... gets two eggs!
Photo credit: Cinematic Intelligence Agency
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment