Matapos ang ilang gabing pagpupuyat, natapos ko na rin ang Harry Potter and the Deathly Hallows. Mag-a-alas-dos na ng umaga kanina nang natapos ko ang last page at napabutung-hininga. *sigh*
Bagama't inabot lamang ng 4 nights ang pagbasa ko ng book 7 (nagsimula ako noong Sunday) ay medyo mahaba-haba rin ang oras na na-spend ko sa Harry Potter. Kasi binasa ko ulit yung Order of the Phoenix, tapos pinanood ko yung sine, tapos binasa ko naman ulit yung Half Blood Prince in preparation for the final book.
Grabe, gumising pa ako ng maaga last Saturday para 7AM eh makuha ko na yung book. Pero sulit naman. As I have expected, maganda ang transitioning ng events. May love story, may drama, may action. Kulang na lang ng song and dance number, Regal Films na sya. hehe
Ang ganda nung first fight scene whereby itatakas na ng Order of the Phoenix si Harry from Little Whinging to the Burrow kasi nga he's turning 17 at mawawalan na ng power of protection yung house as he comes of age.
Nakakalungkot naman yung nangyari kay Dobbie. He appeared several times in the previous books pero I considered him a minor character. Kahit hindi sya isa sa mga favorite kong characters ay bigla akong napahanga sa kanya.
Yung mga taong namatay, talagang nakakagimbal. Pati si Hedwig na naging unang casualty sa book na ito, ay talagang nakakagulat.
Ang pinagtataka ko lang... hindi na binanggit kung anong nangyari sa Dursley family matapos silang magtago sa start ng kwento. Siguro nga immaterial na sya so overall plot... at least pinakita na Dudley had a "reconciliation" with his cousin before they parted.
Ang ganda ng story, until the end na may twist pa. Ang loyalty ng isang tao na talagang mula pa lang sa first book ay ginampanan na nya ang role nya kahit na napakahirap. Hanggang sa mamatay sya ay ginawa nya hanggang huling tagubilin. Si Neville na dating tahimik ay biglang naging isang leader ng Dumbledore's Army....
Ang daming unforgettable scenes dito. This is one of the best books I have read. In fact, Harry Potter is one of the best series I have read so far. Thank you, J.K. Rowling.
0 comments:
Post a Comment