Minsan isang araw ay nagkukwentuhan kami sa office pantry nang napunta ang usapan sa mga kakaibang pets. Share agad ng isa naming kasama: "meron akong dakal."
"Dakal?" tanong namin lahat.
"Oo, dakal. Hindi nyo alam yun? Kung may Pusakal o pusang kalye, may Dakal o dagang kalye."
Napatunganga kaming lahat sa kanya.
"Mabait naman yung dakal e," dagdag nya. "Kung minsan binubuhat-buhat ko. Gustong-gusto nyang niyayapos sya. Nagdadala rin sya ng mga kasama nya sa bahay sometimes."
Natatawa kami syempre na may kasamang "eeewwww".
Pero mantakin mo, paano nga kung may Dakal na nakakaintindi ng salita ng tao and, to top it all, marunong magluto?! Cmon!
At sa daigdig ng Pixar animation ay meron nga. Si Remy ay hindi ordinaryong daga. Marunong syang mag-appreciate ng food! Dahil sa kanyang kakaibang talento ng pag-amoy ng pagkain (nalalaman nya ang ingredients ng isang putahe sa sense of smell lamang) at sensitive ang kanyang panlasa ay taraaaannn! Sa tulong ng kanyang figment of imagination at ni Alfredo Linguini (gabage boy turned celebrated chef) ay nagamit nya ang kanyang talento sa pagluluto sa restaurant ni Chef Gusteau.
Malamang narinig nyo na ang sabi-sabi na pag natikman mo ang luto ni (insert name of your favorite cook) ay malilimutan mo ang pangalan mo sa sarap! Sa Ratatouille naman, yung food critic na naging sadista sa pag-review ng pagkain ay biglang namulat! Namulat sa kanyang orihinal na passion. Ang passion for food, hindi passion to mock and set standards so high na feeling ng iba hindi na sya ma-reach at to the highest level na ang restaurant mo pag binigyan ka nya ng average review.
Ang ganda ng pelikulang ito. At lalo na nung nalaman kong si Brad Bird ang director na ito (sya rin nag-direct ng paborito kong The Iron Giant na gagawan ko ng review soon at The Incredibles) ay napahanga na rin ako kay Brad Bird sa ganda ng mga obra nya.
Maraming mapupulot na aral dito. Dare to be true and honest to yourself, no matter who or what you are, you can make a difference in this world, Money is the root of all evil, No smoking inside the restaurant.
On the side-effect, alam nyo ba na sa kasikatan ng Harry Potter ay may mga batang bumili ng owls para maging pet nila? Hmmm... ano kayang mangyayari matapos nila panoorin ang Ratatouille? Eeeewwww....
Labels: CGI, Ratatouille
0 comments:
Post a Comment