To start it off, I'd like to say that I'm not a big fan of Will Ferrel. The last film I saw with him on it was when he was a 70s TV reporter and I didn't like it at all. However, this film's trailer looked funny enough so I ventured on watching Blades of Glory.
C'mon! Kakaibang level ng figure skating ito. Nung nakita ko si Jimmy MacElroy (Jon Heder) na nag-skate napatunganga ako. Kasi men's division sya pero parang girl yung nag-iiskate. Tapos dumating naman si Chazz Michael Michaels (Will Ferrel) na total opposite ni MacElroy. Medyo notorious sya sa style na medyo provocative. Nag-tie sila pero hindi nila matanggap at sa awarding ceremony pa sila nagrambulan kaya't na-ban sila for life.
After 3.5 years, na-tip kay Macelroy na pwede silang mag-skate ulit bilang pair! Bukod-tangi sila sa boy-girl tandem competition. Sa kadahilanang ang career nila talaga ay sa skating at kahit na nagkaroon sila ng trabaho na related sa skating ay wala sa kalingkingan nila ang kanilang ginagawa.
No challenge = boring = sleep it = drink it = you're fired!
Kaya't tinanggap na rin nila ang bagong challenge na ito sa career nila. Nakakatawa ang mukha ni Wil Ferrel habang ginaganap nya ang role bilang lalake sa figure skating at binubuhat nya si MecElroy. Nakatunganga lang sya pero nakakatawa talaga. ha-ha-ha. Naalala ko yung kasama kong reviewer dito, si espyo.
May isang super-daring to the max move na tinuro sa kanila ang coach nila at kahit na nagkaroon ng glitch sa huli ay nagawa rin nila.
At kung nabasa nyo ang review na ito hanggang sa puntong ito ay sorry na lang, nakalimutan kong sabihing may spoilers pala ito. Pero ayun, nanalo sila of course.
Medyo formulaic yung story pero mahusay ang execution. Gusto ko na tuloy panoorin ang next movie ni Wil Ferrel na magiging basketbolista sya. Tsaka gusto ko mag ice-skating. Tsaka gusto ko ng snow cones. Tsaka gusto ko ng gold medal.
For its comedic content, I give this movie 4 eggs! Espyo, pakilagay na lang yung eggs sa baba. Ang tagal mong ibigay sa akin e! C'mon.
Labels: Blades of Glory
i saw this movie
Anonymous said...
March 30, 2008 at 11:31 AM