Evan Almighty

Ang pelikulang EVAN ALMIGHTY ay sequel ng pelikulang BRUCE ALMIGHTY, Itoy pinangunahan ng karakter na si Evan Baxter na kung mapapansin nyo ay nanduon din sa pelikulang Bruce Almighty.

Siya ay ang lead anchorman sa EYEWITNESS NEWS Channel 7 sa Buffalo, New York (WKBW-TV). Naging maganda ang pag-ganap at ubod namanng nakakatawa ang kanyang mga antics.


Sa pelikulang ito ay isa na syang congressman at naninirahan sa Virginia. Maganda ang naging tanggap sa kanya ng kontrabidang tongressman, pero ito pala ay maykapalit, tapos babawiin parang bata.


Maganda ang plot ng story, binase ba naman sa istorya ni Noah, Maraming magagandang aral ang makukuha, tulad ngayon na tag ulan kailangan nating gumawa ng barko dahil baka bumaha pano ka papasok sa trabaho, mag sisick leave kla nanaman ba?


Minsan naisip ko na nung nag flood ba nuong time ni noah meron din bang gumagawa ng tulay tapos maniningil ng piso, tsaka nung nag flood diba galit si god sa tao, ibig ba sabihin galit pa rin sya sa mga taga malabon kaya palaging baha duon.. Tsaka nuong nagbaha ba sa kanila meron din bang sakit na Leptospirosis, At bakit ba sinama pa yung mga daga at ipis nuong gumawa ng barko si noah. di ba mas maganda kung puro butterflies lang at rabbit ang kinuha para naman cute. Tsaka kaya ba walang dinosaur ay dahil di ito kasya sa barko.


Marami akong katanungan na panahon lamang ang makakasagot, Pero di konalang inisip dahil maganda naman ang pelikula at ako naman ay natuwa, ayos din ang mga anak nya na cool na cool lang kahit mukha ng baliw ang kanilang ama, o sadyang rocker lang ito, o di kaya ay adik, siyempre okay din ang asawa nya na si JOAN. OO nga pala ibig ba sabihin asawa ni Noah si Joan of ARC kaya pala pareho ng apelyido.


Meron din pala akong gustong linawin, diba sa bible sabi sa Mt. Ararat huminto ang barko ni noah, di kaya nagkamali lang sila ng nadinig at Mt. Arayat pala talaga ang pinagdaungan nito. O di kaya sa hinaba haba ng panahon ay nautal ang nagsabi nito at pinanindigan nalang na ARARAT imbes na ARAYAT. HMMMM interesting. Kung totoo yun ay tayo ang totoong chosen pipol.

0 comments:

Newer Post Older Post Home