Rush Hour 3


Ang pelikulang rush hour 3 ay sequel ng rush hour 2 na sequel ng rush hour, bida dito si Jacky Chan at si Chris Tucker.
Walang pinagkaiba ito sa rush hour 1 and 2 alam mo na kagad na kontrabida ang taong puti na mayaman at makapangyarihan. Obvious naman eh. diko nga alam bakit di nila nahalata, nasa mukha naman nung karakter na salbahe siya eh. Pero diba kung iisipin mo, napaka swerte naman ni Chris Tucker dahil napapadpad sya sa lugar na dapat puntahan nila. Tsaka tumaba na siya kasi naman ang huling movie nya pa ay rush hour 2 pa.
Oo no yun ang last movie nya.
Nakakatawa naman yung movie, kung gusto mo matawa i suggest panoorin nyo ito pero wag kayo mag hanap ng magandang istorya.
Okay din yung kanta ni Chris Tucker sa bar kaso sumali pa si Jacky Chan naging baduy tuloy. Wala itong pinagkaiba sa pelikula ni Leo Martinez at ni Redford White, walang storya pero nakakatawa.
Pero hindi narin ako nagsisisi masarap naman yung popcorn at saka yung lemonade na baon ko sa sinehan, plus libre lang ako and umuulan ng malakas kaya wala din naman kami ibang magagawa.

0 comments:

Newer Post Older Post Home