Okay... siguro magtataka kayo kung bakit The Holiday ang review ko samantalang matagal na itong pinalabas. Kasi... kapag Christmas holidays dito sa Pinas, meron tayong Metro Manila Film Festival showcasing local films. Echepwera muna yung mga foreign films. Op cors, to do our part in contributing to the local film industry, nanood rin kami ng sine that time. Since naaalala ko pa na maganda yung unang Shake Rattle and Roll, nagsuggest ako na panoorin namin yung latest installment ng movie series na ito.
Grabe. Natulala kami sabay nailing. Kasi since entry sya sa filmfest, syempre dumaan sa screening ito diba. Pero bakit ganun? Sayang yung pinambayad namin! Mas corny pa sya sa popcorn na kinakain namin! Yung saving grace nya, yung part na may yaya kasi maganda yung cinematography pero dragging rin yung kwento. Hay buhay. Muntik na kaming mamatay, hindi sa takot kundi sa asar.
Anyway, balik tayo sa The Holidays. Ang alam ko, pinalabas pa rin sya pagdating ng Pebrero pero di ko na napanood. Kaya tamang-tama at nagkaroon kami ng DVD nito. Tutal, start na rin ng "ber" months at nagsisimula ng magpatugtog ng carols sa radyo, so why not?
Isa itong romantic comedy. Kakaiba sya kasi yung concept ng home exchange, dito ko lang nakita. Meron ba talagang ganun? Palitan kayo ng bahay? Pero ito ang ginawa ng dalawang byutipul gerls: si Iris (Kate Winslet) na gustong magpakalayo kasi yung lalaking iniirog nya ay ikakasal sa iba, tapos si Amanda (Cameron Diaz) naman, nalaman nyang naging unfaithful sa kanya ang shuta nya. Si Iris, nasa England. Si Amanda, nasa California. Gusto nilang magpakalayo para sa Christmas Holiday, kaya nakapagsunduan sila agad! Switch it for two weeks! How I wish I can disappear for 2 weeks as well.
May nangyaring kababalaghan kay Amanda kasi na-meet nya si Graham (Jude Law), ang kapatid na lalaki ni Iris. Tapos si film composer Miles (Jack Black), na-meet naman si Iris.
May mga complications na nangyari along the way (or else magiging boring ang movie) pero ang ganda ng kinalabasan. I lab it.
Habang pinapanood ko nga ito eh naalala ko rin nung grade school ako. Meron akong naging kabarkadang babae. Naging super close kami to the point na dun na sya nakikitulog sa amin. Kilala rin naman ng parents ko yung parents nya kaya ok lang. Magkatabi pa kaming matulog kasi walang malisya. Tapos nagkaroon ng time na pumunta na doon ang mama nya at pinapauwi na sya. May mga damit na sya sa amin kasi ang dalas nga nya na dun. So nagbackpack na sya at umuwi. Tapos pagdating ng gabi, may kumakatok sa bintana ng kwarto namin. Andun sya sa labas! Sabi nya pinayagan sya ulit mag-stay. Pero kinabukasan sinundo na sya ulit. Tumakas pala sya. Galit ang nanay. Dahil dun, dinala sya sa prubinsya at di na kami nagkita ng matagal. Later on, nakita ko dun sa wooden double-deck namin ang initials nya at initials ko na may puso sa gitna. Sobrang lungkot ko sa nangyari sa amin. Asan na kaya sya?
Dahil sa flashback na ito, I give The Holiday 5 hard-boiled eggs! Highly recommended!
Labels: Shake Rattle and Roll, The Holiday
0 comments:
Post a Comment