Ok.... aaminin ko na. I'm a sucker for Superhero films. Kaya syempre di ko pinalampas ito. Nagkataon namang narito sa Manila ang mag-ina ko kaya niyaya ko silang manood ng sine. Na-shock kami nung nalaman namin na ang bata ay full payment! Sa Glorietta pa naman ito. 120 pesoses ang isang ticket. Pero first time ever na manonood ang anak ko ng sine kasi 2 years old pa lang sya so go go go na kami. Tutal pambata naman yung sine so treat na lang namin sa kanya.
Ineexpect ko na na hindi malalim ang plot. At hindi naman ako nabigo. Maganda na yung wala ka masyadong expectation kasi syempre you're setting yourself up for disappointment. Since first time ni baby sa cinema, natulala sya sa laki ng TV! Natuwa naman kami.
Kaya lang... medyo nakatulog ako sa first half hour ng film. Sana hindi ako humilik. Ineexpect namin na si baby e nanonood ng husto. Heto sya:
Hindi rin nakayanan ng powers nya.
Straightforward yung story. Nagkaroon ng accidental powers si Shoeshine (isang Beagle) tapos nakakapagsalita sya. Binigyan sya ng costume ng umampon sa kanya. Yung powers nya galing sa experiments ng isang mad scientist. Gusto bawiin ni mad scientist. Showdown. Tapos.
Sayang, base pa naman ito sa 1960s cartoon show na may pinakitang konting footage sa simula ng movie. Siguro may senti value sa mga late 1960 kids. As for me, di ako makaka-relate dyan. hehe.
Pambata ini so don't really expect much. I give it 1 egg for nice CGI.
Labels: Underdog
0 comments:
Post a Comment