Avenue Q



Last Friday, my friends and I got all hyped up because of the much-anticipated play later that evening. Yes, in my quest to complete the to-do-list I made some time back, I even managed to influence some friends to join in the fun. Bwahahaha!

I'm not really much into play. I just watch when I feel like it, which is like once every other year. The very first play I watched was Ms. Saigon at the CCP, and though it was not Lea Salonga, I enjoyed it immensely. How they were able to fit the helicopter into the set is beyond me. Next was Wizard of Oz in Greenbelt Theater. It was also a memorable affair, with the revolving sets and the Somewhere Over the Rainbow song.

Along the way I missed Zsa Zsa Zaturnnah (I have the comic books and watched the movie and loved it!), Darna when she had her anniversary (Vilma Santos is still the best Darna there is in the movies and Nino Muhlach as Ding).

While waiting for the play to start, I browsed through the program. It said that Avenue Q is like Sesame Street for adults. Of course, I wondered what they meant about that, but when you see the set, it is indeed like a scene from Sesame Street. And the puppets! Memorable characters they are. And did I mention it's Sesame Street for adults? Hahaha! Well... there's puppet nudity involved! But it's really hilarious! The songs are memorable, the characters realistic, the storyline engaging. Of the many wonderful actors on stage, I am only familiar with two: Aiza Seguerra (who plays Gary Coleman) and Rachel Alejandro. Of course I am already that Ms. Alejandro is a great singer, but Aiza's performance was top notch! She played Gary Coleman really well.

The story is about a guy full of hopes and dreams (as any new grad can be) and he looks for an apartment and a job. He ends up in Avenue Q because the rental rates at the other places are quite steep for someone who's just starting to choose his career path. He finds adventure and love and in this neighborhood as he searches for his purpose.

I love the play. The bit with the puppets work really well in weaving the story. Catch it if you have the time! We got our tickets at TicketWorld. Whoops! I just checked. Dec 18 and 22 are already sold-out.



[cross-posted in watson.online/]

What a movie! What a movie!

When I saw the Beowulf trailer a couple of months ago at our building lobby (courtesy of these new video ads), I was mesmerized. The last time I watched a full-CGI movie was Final Fantasy: The Spirits Within, and then Final Fantasy VII: Advent Children, and Teenage Mutant Ninja Turtles on home video. The first Final Fantasy movie was a breakthrough in that it gave us a glimpse of what could possibly be the future of movies: humans that are not quite human. Think of it. Fans could be idolizing a movie personality, but is not really a live person (although that's happening today... think anime). Also, it can considerably cut down movie production costs, since the characters can work 24 hours a day and not get tired!

Back to the here and now... what is even more intriguing about this movie is that it's being shown in Imax in full 3D! This is an opportunity I don't want to miss. A 2-hour 3D movie!

And so last week we drove off to the Imax theater in the Mall of Asia to catch the 7:00PM movie. The ticket is quite pricey at 400 pesos but hey! It can be worth the experience. And we'll be doing it only once anyways.

So what can I say about the 3D effects and CGI? Amazing. Simply amazing.

And the storyline? Well. there's a lot of dialogues than I would care for, but eventually I felt that it's a "necessary evil" to develop the plot. The action scenes are exciting, bloody, amazing!

If you want to experience movie watching in a whole new light, go watch Beowulf at the MOA's Imax theater! It's worth the 400 pesos you'll shell out for the movie. After all, you're only going to watch at Imax only once, right? Right? Ummm...

Related site: Beowulf official movie site
Cross-posted at watson.online

Stardust


Nagkaroon na ng mga pelikula na bagama't bigatin ang mga artista ay hindi maganda ang kinalabasan kaya't hindi rin ako nag-e-expect na mapapabilib ako ng pelikulang ito. Pero dahil sa ganda ng trailer nya ay inabangan ko na rin lang ang Stardust.

Ito ay tungkol sa pagmana sa trono ng kahariang Stormhold, ang lugar ng kababalaghan na nahihiwalay sa lupain ng mga tao sa pamamagitan ng isang mababang pader. Sa kagustuhang maibigay ng masugid na manliligaw na si Tristan ang isang kakaibang bagay na syang magiging dahilan ng pagpapakasal ni Victoria (na wala naman talagang gusto sa kanya) ay sinabi nyang kukunin nya ang falling star na nakita nilang nahulog mula sa langit isang gabi. Kaya lang, ang bituin na ito ay nahulog lampas sa pader kung kaya't ginoyo ni Tristan ang tagabantay ng pader para makalusot sya sa kabila. Dun nya nakita si Yvane. Isang dilag pala yung falling star. Dahil sa pangako kay Victoria ay pilit nyang dinala si Yvane sa kanyang paglakbay pabalik sa mundo ng tao.

Marami silang adventure na pinagdaanan. Tinutusig sila ng mga tagapagmana ng kaharian ng Stormhold, at ng mga witch (istarring Michelle Pfeiffer!) rin dahil makakapagbigay ng youth ang puso ng falling star, at nahuli rin sila ng pirates (istarring Robert de Niro!). Si Ms. Pfeiffer ay napakahusay bilang isang witch. At ganun rin si Mr. de Niro na ang husay ng pagkakaganap bilang isang... pirate! Kakaibang pirate!

Basta panoorin nyo na lang. Fairy tale adventure sya na may love overture. Sa sobrang aliw ng pelikulang ito ay pinanood ko pa ng pangalawang beses kasama ang iba kong kaopisina at sila rin ay sobrang na-in-lab sa Stardust. Pramis.

5 eggs for this wonderful movie!


Last night huling gabi ng mahabang bakasyon, naisipan naming pumunta ng video city at manghiram ng bala, siempre yung nakakatakot. Nakahiram kami ng pinoy movie na pinamagatang ……


Siquijor Mystic Island.


Itoy istorya ng isang production team na pumunta sa siquijor para gumawa ng documentary tungkol sa mangkukulam/mangbabarang at mga albularyo…
Well okay naman ang plot ng istorya at okay din yung mga eksena na nakakatakot, talagang mapapasigaw ka. Pero isa lang napansin ko si yul servo kahit masakit na yung tiyan nakangiti pa rin.

Tsaka nanghihinayang ako dahil di man lang nila pinokus yung storya ng pambabarang dun sa kung paano sila binarang. At kung bakit nagalit sa kanila yung mambabarang para kasing napaka babaw. Tsaka Malabo yung ending. Malabo eto. Sayang maganda pa naman yung plot ng story at okay din sana yung setting kaso masyadong saglit lang dun sa lugar. Sikat pa naman ang siquijor sa mga kakaibang bagay.

Maganda siya pero marami pa sanang paraan para lalong gumanda. Sayang di ni la inexplore yung ibang angle ng storya.

Zombie Nation


Ang Zombie Nation ay pinaka panget na movie na napanuod ko sa buong buhay ko.. and to think marami nagrerent nito dahil mabibighani ka sa cover nito na ubod ng nakakatakot ang dating. pero malamang kinuha nila ang picture nito sa ibang movie dahil ni hindi ko nakita ito sa movie.


Una ang storyline?plot ng story ay sobrang nakakainis, walang dating at walang saysay, yung make up ng zombie ay parang mga panda bear lang. dahil may round black spot lang na naka bilog sa parteng mata. bukod dun wala na. Special effects :zero, soundtrack. ngayon lang ako naka panuod ng movie na pag umaatake yung zombie disco yung tugtog. diko tuloy alam kong masisindak ako o mapapaindak. yung set para lang isang bodega ang ginamit nila for the whole movie, and i think 2 araw lang nila ito ginawa. pati costume walang kwenta..


Sa sobrang panget nito di nito deserve ang any rate.

Knocked Up

BABALA:
Kung makikita nyo ang lalaking ito na may mga sumusunod na katangian:
(1) mataba;
(2) kulot ang buhok;
(3) malakas magyosi;
(4) ang pangalan ay BEN;

ay iwasan ang taong ito! Sya ay makamandag!

Akalain mo, sa isang one-night stand lang (oo, alam kong redundant yun!) ay najontis yung babae! Ayan kasi, pasele-celebrate celebrate pa kasi sa club at meeting-meeting guys pa. Kaya lang, maiiwasan ba ang drinking and socializing? Malamang hindi. At syempre may take-home partner pa.

At any rate, pinilit namang ayusin ni Alison Scott (Katherine Heigl) ang pangyayaring ito.

"Papa don't preach, papa don't preach" nag-parang Madonna si Alison kasi she's gonna keep her baby. At nalaman rin nya what a loser Ben Stone (Seth Rogen) was. Wala syang work, dude pare. Tapos mga friends nya, laging stoned dude.

Things get worse as Alison sees her sister's marriage fall apart right as well. Depressing di ba?

The movie is an in-your-face situationer that, unfortunately, confronts a problem that is becoming all-too-common in society: unwanted pregnancy. It is a dilemma that can make or break families, and drastically change your life choices, so much so for the woman.

So bago kayo mapa-bilib sa pag-review ko ng pelikulang ito, I give it 4 hard boiled eggs for realism and engaging story development.


Ang pelikulang GOD LUCK CHUCK ay pinangunahan ni Jessica Alba(CAM) at ni Dane Cook (Chuck/Charles). Ito ay tungkol sa isang lalaki na sinumpa na hindi magiging maligaya, ng isang batang adik adik na weirdo na may pag ka satanista nuong bata palang sila. Hindi kolang alam ha pero maraming na barurut si chuck at naging sikat siya dahil sa sumpa... na lahat ng maka do nya ay makakapag asawa ng kanilang pangarap na lalaki. Dahilan para hanapin at pilitin siyang makipagtalik ng mga babae.
Para sa akin agimat yun at di sumpa.. isipin nyo makikipag do ka tapos walang commitment. Ka sarap naman ng buhay nya.
Okay din naman si Jessica Alba pero diba sinong lalaki ang ayaw ng buhay ni chuck... tsaka masyadong careless si Alba kung di lang siya anak ni Panchito Alba malamang diko siya pinanuod eh.
Simula plang kasi puro na kamalasan ang ginawa niya kay chuck. Pero okay lang dahil nga type nya ito, nariyan yung masugatan siya, masira yung kotse nya tapos nagpapahard to get.
Marami naman akong di kayang matake sa movie. yung makipag do dun sa dalawang matabang babae. tapos yung isa may galis aso pa. yung isa dinaan sa paawa effect. Di na ito makatotohanan, at ayaw ko isipin baka mapanaginipan ko pa.
Okay din yung barkada nya na surgeon, kaso di ba sya nagsasawa puro boobs nakikita nya. well i wish yun ang job ko. kaso huli na ang lahat.... overall entertaining yung movies with no sense of values ... rating ko....
isang itlog na bugok


Pagkagaling ko sa Majayjay kung saan duon ko dinaos ang aking weekend, at kahit pagod na pagod at medyo nanlalata, niyaya ko ang aking gf na manuod ng sine at kumain sa labas. at siempre dahil matagal tagal narin ang paghihintay ko para sa resident evil 3 hindi ko ito gusto panuooring sa opening day dahil baka marami ang tao. kaya eto na
Resident Evil Extinction ay pangatlong pelikula ng resident evil, Para sa akin napakaganda ng pelikulang ito simula sa 1 hanggang sa ikatlong palabas nito, at kahit di ko na nilalaro yung game dahil sira ang ps2 ko ngayon, natutuwa pa rin ako dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng part 4.. Maganda ang pagkagawa at ayos naman ang naging storyline kahit ba isipin natin na puro zombie ang kalaban at paminsan minsan ay may mga mutation ng t virus, hindi ito nagging sagabal sa kagandahan ng pelikula. Naging mas nakakagimbal din ang mga Super Zombie na ininhance nila ang kapasidad ng isip at naging mas agresibo. At siempre okay ding yung mga uwak sayang lang naging fried uwak.


Okay yung mga stunts sa pelikula, plus naging ayos din yung pag papakita ng kapangyarihan ni Alice, hindi siya over. Sakto lang siya.

Mga hindi ko nagustuhan eh yung nakakagat kay Carlos, Si Lj, napaka sayang kasi eh alam nya naman na magiging zombie siya nagpapaka tao pa sya dapat nag pakamatay nalang siya, para di siya nakapandamay.. Tsaka yung mga scavengers na nakalaban ni Alice, bad trip makaka isip ka pa ba ng libog sa mga oras nay un… buti nga sa kanila kinain sila ng mga awaw.


… pero isa lang ang napansin ko lagi lang nakahubad si Alice sa bawat palabas ng resident evil.. sa one sa two at dito sa three, malamang type ng director si Mila Jovovich,
Tsaka marami pala silang magkakapatid noh , magkakamukha pa, siya lang sumikat. Yung iba extra lang kung di nakahiga sa tapunan ng bangkay ay andun sa supot na may tubig.

NAPAKAGANDA I LIKE IT A LOT

Time and again sinasabi ko sa sarili ko na "Rules are made for men, men are not made for rules." Ibig sabihin lang nito ay kapag hindi nakabubuti ang isang rule sa nakararami ay kailangang i-amend ito.

Nagkaroon ng problema si Larry (Kevin James) kasi hindi nya nailipat ang beneficiary sa pangalan ng kanyang mga anak noong sumakabilang buhay ang kanyang better half. Sa sobrang pagmamahal nya ay umabot ng mahigit isang taon ang kanyang pagdadalamhati, at nag-lapse ang panahon na pwede nyang palitan ang beneficiary. Kung kaya't hinumok nya ang kanyang partner sa Fire Station na si Chuck (Adam Sandler) na pumasok sila sa isang domestic partnership para maayos ng mabilisan ang mga papeles.

Napasok sila sa mga sitwasyon na sila ay nakaranas ng discrimination tsaka kung anu-anong chorvanes. Gusto ba naman sila machugi sa work! Chenes talaga yung mga katrabaho nila. Orocan! Nung sila ang may kelangan ng tulong, binigyan sila nina Chuck and Larry nang walang hinihinging kapalit. Pero noong nabalitaan nila yung domestic partnership ni Chuck and Larry, nag-sign ba naman ng petition para mapaalis sila ng trabaho! The nerves! Grabe ang mga eklabush na itu.

Oops teka... spoiler yata yun... sowee.

Pero, syempre ok ang ending. Dapat lang or else sayang yung pinambili namin ng ticket, popcorn at iced tea! We came to be entertained at na-entertain naman kami. Highest level nga e! Bagama't the movie tackled a rather sensitive topic on homosexuality, hindi sya eeeeewwwww. Tawa kami ng tawa. Hahahaha.

We love this film. I give it 4 eggs!

Underdog


Ok.... aaminin ko na. I'm a sucker for Superhero films. Kaya syempre di ko pinalampas ito. Nagkataon namang narito sa Manila ang mag-ina ko kaya niyaya ko silang manood ng sine. Na-shock kami nung nalaman namin na ang bata ay full payment! Sa Glorietta pa naman ito. 120 pesoses ang isang ticket. Pero first time ever na manonood ang anak ko ng sine kasi 2 years old pa lang sya so go go go na kami. Tutal pambata naman yung sine so treat na lang namin sa kanya.

Ineexpect ko na na hindi malalim ang plot. At hindi naman ako nabigo. Maganda na yung wala ka masyadong expectation kasi syempre you're setting yourself up for disappointment. Since first time ni baby sa cinema, natulala sya sa laki ng TV! Natuwa naman kami.

Kaya lang... medyo nakatulog ako sa first half hour ng film. Sana hindi ako humilik. Ineexpect namin na si baby e nanonood ng husto. Heto sya:

Hindi rin nakayanan ng powers nya.

Straightforward yung story. Nagkaroon ng accidental powers si Shoeshine (isang Beagle) tapos nakakapagsalita sya. Binigyan sya ng costume ng umampon sa kanya. Yung powers nya galing sa experiments ng isang mad scientist. Gusto bawiin ni mad scientist. Showdown. Tapos.

Sayang, base pa naman ito sa 1960s cartoon show na may pinakitang konting footage sa simula ng movie. Siguro may senti value sa mga late 1960 kids. As for me, di ako makaka-relate dyan. hehe.

Pambata ini so don't really expect much. I give it 1 egg for nice CGI.

The Holiday

Okay... siguro magtataka kayo kung bakit The Holiday ang review ko samantalang matagal na itong pinalabas. Kasi... kapag Christmas holidays dito sa Pinas, meron tayong Metro Manila Film Festival showcasing local films. Echepwera muna yung mga foreign films. Op cors, to do our part in contributing to the local film industry, nanood rin kami ng sine that time. Since naaalala ko pa na maganda yung unang Shake Rattle and Roll, nagsuggest ako na panoorin namin yung latest installment ng movie series na ito.

Grabe. Natulala kami sabay nailing. Kasi since entry sya sa filmfest, syempre dumaan sa screening ito diba. Pero bakit ganun? Sayang yung pinambayad namin! Mas corny pa sya sa popcorn na kinakain namin! Yung saving grace nya, yung part na may yaya kasi maganda yung cinematography pero dragging rin yung kwento. Hay buhay. Muntik na kaming mamatay, hindi sa takot kundi sa asar.

Anyway, balik tayo sa The Holidays. Ang alam ko, pinalabas pa rin sya pagdating ng Pebrero pero di ko na napanood. Kaya tamang-tama at nagkaroon kami ng DVD nito. Tutal, start na rin ng "ber" months at nagsisimula ng magpatugtog ng carols sa radyo, so why not?

Isa itong romantic comedy. Kakaiba sya kasi yung concept ng home exchange, dito ko lang nakita. Meron ba talagang ganun? Palitan kayo ng bahay? Pero ito ang ginawa ng dalawang byutipul gerls: si Iris (Kate Winslet) na gustong magpakalayo kasi yung lalaking iniirog nya ay ikakasal sa iba, tapos si Amanda (Cameron Diaz) naman, nalaman nyang naging unfaithful sa kanya ang shuta nya. Si Iris, nasa England. Si Amanda, nasa California. Gusto nilang magpakalayo para sa Christmas Holiday, kaya nakapagsunduan sila agad! Switch it for two weeks! How I wish I can disappear for 2 weeks as well.

May nangyaring kababalaghan kay Amanda kasi na-meet nya si Graham (Jude Law), ang kapatid na lalaki ni Iris. Tapos si film composer Miles (Jack Black), na-meet naman si Iris.

May mga complications na nangyari along the way (or else magiging boring ang movie) pero ang ganda ng kinalabasan. I lab it.

Habang pinapanood ko nga ito eh naalala ko rin nung grade school ako. Meron akong naging kabarkadang babae. Naging super close kami to the point na dun na sya nakikitulog sa amin. Kilala rin naman ng parents ko yung parents nya kaya ok lang. Magkatabi pa kaming matulog kasi walang malisya. Tapos nagkaroon ng time na pumunta na doon ang mama nya at pinapauwi na sya. May mga damit na sya sa amin kasi ang dalas nga nya na dun. So nagbackpack na sya at umuwi. Tapos pagdating ng gabi, may kumakatok sa bintana ng kwarto namin. Andun sya sa labas! Sabi nya pinayagan sya ulit mag-stay. Pero kinabukasan sinundo na sya ulit. Tumakas pala sya. Galit ang nanay. Dahil dun, dinala sya sa prubinsya at di na kami nagkita ng matagal. Later on, nakita ko dun sa wooden double-deck namin ang initials nya at initials ko na may puso sa gitna. Sobrang lungkot ko sa nangyari sa amin. Asan na kaya sya?

Dahil sa flashback na ito, I give The Holiday 5 hard-boiled eggs! Highly recommended!


Kagabi habang kumakain ako ng dinner while watching TV, nakita ko si Willie Revillame on the news na umiiyak and galit kay Joey de Leon. I feel sobra ang arte nang pag iyak nya so nag research ako kinabukasan and thanks to unlimited access sa internet courtesy of the Opis nalaman ko ang istorya. Ito pala ay regarding dun sa portion ng wowowee na Wilyonaryo, meron kasing nakitang medyo dayaan and upon watching the video, i dont think it is an honest mistake like abs wants us to think. We are talking about 2 million here hindi pwedeng sorry plus the fact that wowowee has so many scandals attached to its name that's make us wonder bakit meron parin ito..


Well siguro dahil malakas ito sa ratings plus malaki parin ang kinikita ng network sa noontime show kaya patuloy parin ito sa pag ere, Pero please dont tell us na wowowee is here to help the filipino pipol dahil this is not true. if you want to help the pipol educate them hindi kung ano anong kalokohan ang natutunan nila.. sure the show is very entertaining and I really enjoy's willie's joke, pero hindi parin ito nandito to help the poor.


We all know joey de leon's style, malakas sya mang asar, so what?, bakit si willie lakas din mang asar, sya lang ba ang pwedeng mang asar. Sa totoo lang i think karamihan naman ng game show is somehow may daya, nagkataon lang nabulgar yung sa wowowee kaya they have to explain that to us, the viewers. Hindi pwedeng Im sorry talamak na nga ang dayaan sa bayan natin pati ba naman dyan...
Plus ABS CBN really did a good job the past elections to rid of the dayaan, now its the time to clean their own bakod of the dayaan.

Malu does a Mimi
















Just read up on the article above written by this Malu Fernandez and tell me if I'm at fault in experiencing a peak in my high blood pressure. No amount of Jo Malone nor layers upon layers of makeup can cover her stench!

To summarize it up, this Ms. Fernandez who loves flaunting her wealth but can't seem to do something about her thick makeup made these in-your-face remarks about her encounter with Overseas Filipino Workers in economy class:

"... I wanted to slash my wrist at the thought at the thought of being trapped in a plane with all of them."

"I thought I had died and God sent me to my very own private hell."

"On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while my Jo Malone evaporated into thin air."


Her backlash on those lambasting her article can be found in the Manila Standard Today, entitled: Am I being a diva? Or do you lack common sense? Here's some excerpt relating to the above article, with my interjections:

As I type this, I’d like you to know that it’s not about whining, complaining and bitching but just stating the facts. Just recently, I wrote a funny article in my magazine column and my friends thought it was hilarious. It was humorous and quite tongue-in-cheek, or at least I thought so, until the magazine got a few e-mails from people who didn’t get the meaning of my acerbic wit.

If you are indeed of the high social standing you claim to be, it will mean that you have attained a high standard of education and all that travel would have broadened your horizon. But noooo. Oh I get the meaning of your acerbic wit all right: that you're not human, you're a pig.
The bottom line was just that I had offended the reader’s socioeconomic background. If any of these people actually read anything thicker then a magazine they would find it very funny. Most people don’t get the fact that they need bitches like me to shake up their world, otherwise their lives would be boring and mediocre. I obviously write for the a certain target audience and if what I write offends you, just stop reading.

Wow. She undermines the intellect of the people. You have to be a wide reader to understand her acerbic wit! Excuse me, but how can downtrodding people be very funny?

I simply can't just imagine you shaking my world. Ugh. I think I'd settle for boring and mediocre, thank you.
And what target audience is this you're referring to? The Mimi Bobeck crowd?

Hi! I'm Mimi! Malu Fernandez idolizes my make-up!


You know what? Your don't-care-what-I-write-stop-reading-if-you're-offended attitude makes me wonder if you're even qualified to be a writer! You don't know the meaning of responsible journalism!

Although it may sound elitist to you the fact is this country is built on the foundation of haves, have-nots and wannabes. One group will never get the culture of the other.
Even if you project yourself to be one of the haves, you sound more like a wannabe, you wannabe!

Although I could mention that it is easier to understand someone who has a lower socioeconomic background that would entail a whole other page and frankly I don’t want to be someone to bridge the gap between socioeconomic classes. I leave that to the politicians in my family who believe they can actually help. Now I seriously ask you, am I being a diva or are people around me just lacking in common sense? Perhaps it’s a little of both!
Yes, that's right. Leave it to someone else to bridge the gap. So why don't you buy your own island and build your pig pen there!

You're not being diva, Ms. Fernandez. You're being a pig! I have friends working abroad and you will never be able to fathom their pride and dignity because you find yours in your material possessions!

So please please tell me that you weren't kidding when you said you were going to slash your wrist. Here's a butter knife so it will take a while longer for you to meet your private hell and you can document your suffering! Please!

Jump to Tingog.com's Fire Malu Fernandez, Boycott Manila Standard Today and People Asia Magazine

And for this, I give you -5 rotten eggs!

[Mimi Bobeck is the boss' secretary from the sitcom Drew Carrey Show who loved to make life a living hell out of Drew's life and always called him pig]

Rush Hour 3


Ang pelikulang rush hour 3 ay sequel ng rush hour 2 na sequel ng rush hour, bida dito si Jacky Chan at si Chris Tucker.
Walang pinagkaiba ito sa rush hour 1 and 2 alam mo na kagad na kontrabida ang taong puti na mayaman at makapangyarihan. Obvious naman eh. diko nga alam bakit di nila nahalata, nasa mukha naman nung karakter na salbahe siya eh. Pero diba kung iisipin mo, napaka swerte naman ni Chris Tucker dahil napapadpad sya sa lugar na dapat puntahan nila. Tsaka tumaba na siya kasi naman ang huling movie nya pa ay rush hour 2 pa.
Oo no yun ang last movie nya.
Nakakatawa naman yung movie, kung gusto mo matawa i suggest panoorin nyo ito pero wag kayo mag hanap ng magandang istorya.
Okay din yung kanta ni Chris Tucker sa bar kaso sumali pa si Jacky Chan naging baduy tuloy. Wala itong pinagkaiba sa pelikula ni Leo Martinez at ni Redford White, walang storya pero nakakatawa.
Pero hindi narin ako nagsisisi masarap naman yung popcorn at saka yung lemonade na baon ko sa sinehan, plus libre lang ako and umuulan ng malakas kaya wala din naman kami ibang magagawa.

Blades of Glory

To start it off, I'd like to say that I'm not a big fan of Will Ferrel. The last film I saw with him on it was when he was a 70s TV reporter and I didn't like it at all. However, this film's trailer looked funny enough so I ventured on watching Blades of Glory.

C'mon! Kakaibang level ng figure skating ito. Nung nakita ko si Jimmy MacElroy (Jon Heder) na nag-skate napatunganga ako. Kasi men's division sya pero parang girl yung nag-iiskate. Tapos dumating naman si Chazz Michael Michaels (Will Ferrel) na total opposite ni MacElroy. Medyo notorious sya sa style na medyo provocative. Nag-tie sila pero hindi nila matanggap at sa awarding ceremony pa sila nagrambulan kaya't na-ban sila for life.

After 3.5 years, na-tip kay Macelroy na pwede silang mag-skate ulit bilang pair! Bukod-tangi sila sa boy-girl tandem competition. Sa kadahilanang ang career nila talaga ay sa skating at kahit na nagkaroon sila ng trabaho na related sa skating ay wala sa kalingkingan nila ang kanilang ginagawa.

No challenge = boring = sleep it = drink it = you're fired!

Kaya't tinanggap na rin nila ang bagong challenge na ito sa career nila. Nakakatawa ang mukha ni Wil Ferrel habang ginaganap nya ang role bilang lalake sa figure skating at binubuhat nya si MecElroy. Nakatunganga lang sya pero nakakatawa talaga. ha-ha-ha. Naalala ko yung kasama kong reviewer dito, si espyo.

May isang super-daring to the max move na tinuro sa kanila ang coach nila at kahit na nagkaroon ng glitch sa huli ay nagawa rin nila.

At kung nabasa nyo ang review na ito hanggang sa puntong ito ay sorry na lang, nakalimutan kong sabihing may spoilers pala ito. Pero ayun, nanalo sila of course.

Medyo formulaic yung story pero mahusay ang execution. Gusto ko na tuloy panoorin ang next movie ni Wil Ferrel na magiging basketbolista sya. Tsaka gusto ko mag ice-skating. Tsaka gusto ko ng snow cones. Tsaka gusto ko ng gold medal.

For its comedic content, I give this movie 4 eggs! Espyo, pakilagay na lang yung eggs sa baba. Ang tagal mong ibigay sa akin e! C'mon.

Ang pelikulang EVAN ALMIGHTY ay sequel ng pelikulang BRUCE ALMIGHTY, Itoy pinangunahan ng karakter na si Evan Baxter na kung mapapansin nyo ay nanduon din sa pelikulang Bruce Almighty.

Siya ay ang lead anchorman sa EYEWITNESS NEWS Channel 7 sa Buffalo, New York (WKBW-TV). Naging maganda ang pag-ganap at ubod namanng nakakatawa ang kanyang mga antics.


Sa pelikulang ito ay isa na syang congressman at naninirahan sa Virginia. Maganda ang naging tanggap sa kanya ng kontrabidang tongressman, pero ito pala ay maykapalit, tapos babawiin parang bata.


Maganda ang plot ng story, binase ba naman sa istorya ni Noah, Maraming magagandang aral ang makukuha, tulad ngayon na tag ulan kailangan nating gumawa ng barko dahil baka bumaha pano ka papasok sa trabaho, mag sisick leave kla nanaman ba?


Minsan naisip ko na nung nag flood ba nuong time ni noah meron din bang gumagawa ng tulay tapos maniningil ng piso, tsaka nung nag flood diba galit si god sa tao, ibig ba sabihin galit pa rin sya sa mga taga malabon kaya palaging baha duon.. Tsaka nuong nagbaha ba sa kanila meron din bang sakit na Leptospirosis, At bakit ba sinama pa yung mga daga at ipis nuong gumawa ng barko si noah. di ba mas maganda kung puro butterflies lang at rabbit ang kinuha para naman cute. Tsaka kaya ba walang dinosaur ay dahil di ito kasya sa barko.


Marami akong katanungan na panahon lamang ang makakasagot, Pero di konalang inisip dahil maganda naman ang pelikula at ako naman ay natuwa, ayos din ang mga anak nya na cool na cool lang kahit mukha ng baliw ang kanilang ama, o sadyang rocker lang ito, o di kaya ay adik, siyempre okay din ang asawa nya na si JOAN. OO nga pala ibig ba sabihin asawa ni Noah si Joan of ARC kaya pala pareho ng apelyido.


Meron din pala akong gustong linawin, diba sa bible sabi sa Mt. Ararat huminto ang barko ni noah, di kaya nagkamali lang sila ng nadinig at Mt. Arayat pala talaga ang pinagdaungan nito. O di kaya sa hinaba haba ng panahon ay nautal ang nagsabi nito at pinanindigan nalang na ARARAT imbes na ARAYAT. HMMMM interesting. Kung totoo yun ay tayo ang totoong chosen pipol.

Ratatouille


Minsan isang araw ay nagkukwentuhan kami sa office pantry nang napunta ang usapan sa mga kakaibang pets. Share agad ng isa naming kasama: "meron akong dakal."

"Dakal?" tanong namin lahat.

"Oo, dakal. Hindi nyo alam yun? Kung may Pusakal o pusang kalye, may Dakal o dagang kalye."

Napatunganga kaming lahat sa kanya.

"Mabait naman yung dakal e," dagdag nya. "Kung minsan binubuhat-buhat ko. Gustong-gusto nyang niyayapos sya. Nagdadala rin sya ng mga kasama nya sa bahay sometimes."

Natatawa kami syempre na may kasamang "eeewwww".

Pero mantakin mo, paano nga kung may Dakal na nakakaintindi ng salita ng tao and, to top it all, marunong magluto?! Cmon!

At sa daigdig ng Pixar animation ay meron nga. Si Remy ay hindi ordinaryong daga. Marunong syang mag-appreciate ng food! Dahil sa kanyang kakaibang talento ng pag-amoy ng pagkain (nalalaman nya ang ingredients ng isang putahe sa sense of smell lamang) at sensitive ang kanyang panlasa ay taraaaannn! Sa tulong ng kanyang figment of imagination at ni Alfredo Linguini (gabage boy turned celebrated chef) ay nagamit nya ang kanyang talento sa pagluluto sa restaurant ni Chef Gusteau.

Malamang narinig nyo na ang sabi-sabi na pag natikman mo ang luto ni (insert name of your favorite cook) ay malilimutan mo ang pangalan mo sa sarap! Sa Ratatouille naman, yung food critic na naging sadista sa pag-review ng pagkain ay biglang namulat! Namulat sa kanyang orihinal na passion. Ang passion for food, hindi passion to mock and set standards so high na feeling ng iba hindi na sya ma-reach at to the highest level na ang restaurant mo pag binigyan ka nya ng average review.

Ang ganda ng pelikulang ito. At lalo na nung nalaman kong si Brad Bird ang director na ito (sya rin nag-direct ng paborito kong The Iron Giant na gagawan ko ng review soon at The Incredibles) ay napahanga na rin ako kay Brad Bird sa ganda ng mga obra nya.

Maraming mapupulot na aral dito. Dare to be true and honest to yourself, no matter who or what you are, you can make a difference in this world, Money is the root of all evil, No smoking inside the restaurant.

On the side-effect, alam nyo ba na sa kasikatan ng Harry Potter ay may mga batang bumili ng owls para maging pet nila? Hmmm... ano kayang mangyayari matapos nila panoorin ang Ratatouille? Eeeewwww....

Harry and the Deathly Hallows


Matapos ang ilang gabing pagpupuyat, natapos ko na rin ang Harry Potter and the Deathly Hallows. Mag-a-alas-dos na ng umaga kanina nang natapos ko ang last page at napabutung-hininga. *sigh*

Bagama't inabot lamang ng 4 nights ang pagbasa ko ng book 7 (nagsimula ako noong Sunday) ay medyo mahaba-haba rin ang oras na na-spend ko sa Harry Potter. Kasi binasa ko ulit yung Order of the Phoenix, tapos pinanood ko yung sine, tapos binasa ko naman ulit yung Half Blood Prince in preparation for the final book.

Grabe, gumising pa ako ng maaga last Saturday para 7AM eh makuha ko na yung book. Pero sulit naman. As I have expected, maganda ang transitioning ng events. May love story, may drama, may action. Kulang na lang ng song and dance number, Regal Films na sya. hehe

Ang ganda nung first fight scene whereby itatakas na ng Order of the Phoenix si Harry from Little Whinging to the Burrow kasi nga he's turning 17 at mawawalan na ng power of protection yung house as he comes of age.

Nakakalungkot naman yung nangyari kay Dobbie. He appeared several times in the previous books pero I considered him a minor character. Kahit hindi sya isa sa mga favorite kong characters ay bigla akong napahanga sa kanya.

Yung mga taong namatay, talagang nakakagimbal. Pati si Hedwig na naging unang casualty sa book na ito, ay talagang nakakagulat.

Ang pinagtataka ko lang... hindi na binanggit kung anong nangyari sa Dursley family matapos silang magtago sa start ng kwento. Siguro nga immaterial na sya so overall plot... at least pinakita na Dudley had a "reconciliation" with his cousin before they parted.

Ang ganda ng story, until the end na may twist pa. Ang loyalty ng isang tao na talagang mula pa lang sa first book ay ginampanan na nya ang role nya kahit na napakahirap. Hanggang sa mamatay sya ay ginawa nya hanggang huling tagubilin. Si Neville na dating tahimik ay biglang naging isang leader ng Dumbledore's Army....

Ang daming unforgettable scenes dito. This is one of the best books I have read. In fact, Harry Potter is one of the best series I have read so far. Thank you, J.K. Rowling.

Isa ito sa aking pinakahihintay na movie sa taon na ito. Kung kaya't bilang paghahanda ay binasa kong muli ang mahigit 800 pages na book last month. At syempre, pinakahihintay ito kaya't first day of showing pa lang e pinanood ko na! Go go go! Todo bili ng food and drinks kasi nga, halos 2.5 hours ito.

Kaya lang ... medyo nagsisisi ako kung bakit binasa ko pa ang libro kasi heto ang palagi kong naiisip habang nanonood:

Nye. Bakit ganun?
Bakit ganun?
Ha? Bakit ganun?
Ganun ba yun?
Ba't nagkaganun?
What the ...?
Anya met! Apay kasjay?!
Ha?
Bakit ganun?


Opo ladies and gentlemen, ang daming ginawang pagbabago sa libro. Sa dami ng ginawang alteration eh hindi ko lubos maisip kung paano ito lumusot kay J.K. Rowling. Never mind na maganda ang mga reviews sa rottentomatoes kung saan nagbabasa ako bago manood ng sine. Bigla ko tuloy naisip, "majority of the critics there aren't really Harry Potter fans to begin with. They mustn't have read a single book." Oo, napa-inggless ako sa isip ko dahil nahiwagaan ako sa "glowing reviews" nila.

Yung si Dolores Umbridge pa lang, hindi na bagay sa role. Sa book, ang description sa kanya ay mukha syang palaka. Si movie, hindi ito nagampanan. Although nakakainis sya, in fairness. Pwedeng pwedeng maging kontrabida. Yun bang sooo pleasant looking at siguro kung nakaharap ako sa kanya ay nakangiti rin ako, pero ngiting-aso (plaaastiiik!) at na-i-imagine ko nang i-flying kick sya. C'mon.

Tapos si Hermione, bakit ganun? Parang palagi syang hinahapo when she says her lines at nakakunot noo nya palagi?

They tried to cram so much of the book into 2hrs 20 minutes that wala ka nang makitang character development. Tapos ang dami nilang binago sa original story! Ililista ko sana dito pero baka manonood pa kayo, so yung observation ko kay Dolores at Hermione lang maibibigay ko.

They've all grown-up, including Dudley

Pero ang pinaka highest level hard to believe sa movie, ay pinalitan nila yung nangyari sa duel nina Professor Dumbledore at Voldemort! Naman namannnn.

So ang tip ko sa inyo para ma-enjoy ang latest Harry Potter flick:
1. Hwag nang mag-review nung book at talagang malilito ka lang.
2. Sana hindi ka die-hard Harry Potter book fan.
3. Basahin ang tip #1 and #2.

Di hamak na mas maganda ang rendition ni Direk Cuaron sa Harry Potter. Ayoko nang malaman kung sino director at scriptwriter ng movie na ito. He-who-must-not-be-named sila!

Ang review na ito ay coming from the point of view of someone who really enjoyed the books. Bakit yung Azkaban at Goblet movies, kahit may modifications eh they managed to pull-off a wonderful screen adaptation? But this one.... gets two eggs!

Photo credit: Cinematic Intelligence Agency

Transformers




Ang Transformers ay pelikula base sa kartuns nuong dekada 8O, ito ay tungkol sa away ng dalawang grupo ang mga decepticons at ang autobots.


Matagal tagal din ang hinintay namin para sa ganitong pelikula, at pagkatapos ng 2 dekada ay nagawa nilang pelikula ang isa sa mga household name pagdating sa cartoons. (duon sa mga edad 16 pababa paki tanong sa mga erpat nyo dun naman sa edad 50 pataas hindi po ito ang pang convert ng 110 to 220).


Exciting ang movie, masasabi kong isa ito sa magiging blockbuster ngayong taong 2007. Di dahil ito ay maganda o magaling kundi dahil ito ay transformers. Isa ito sa movie na kahit sabihin mong pangit ay papanuorin ng tao dahil ito ay transformers.


Marami akong di nagustuhan sa pelikulang eto. una di ko nagustuhan ang mga itsura ng mga robot, kaya naging click ang transformers nuon dahil kahit papaano may similarity sa tao ang mga mukha nila, ngayon robot na robot ang itsura nila. Pangalawa hindi rin maganda ang pag transform, sana mas maganda kung simple lang pero nakikita mo kung saan napupunta yung mga body parts, hindi yung parang dinadaan sa bilis para lituin ang tao. Pangatlo yung mga kotseng ginamit. i think mas okay kung nag stick tayo dun sa cartoons regarding this. specially si bumblebee kilala si bumblebee bilang kotseng kuba. Pano na yung matagal na kaugalian ng pilipino na pag nakakita ng kotseng kuba ay tatawagin si pendong sabay batok sa katabi. Ilan ding magakaibigan ang nagaway dahil napalakas ang batok dahilan para mapikon ang kasama.

Eh ano ba naman ang pendong na kumatok sa utak mo na muntik ka ng mahimatay dahil sa sobrang lakas ng impact, ano ba naman ito kumpara sa pagkakaibigan. Ito ang nirerepresent ni bumble bee sa pinas, tawag sa kanya ay Pendong.


Masama rin ang impresyon na ibinibigay ng sine, na kailangan mo ng kotse para magka girlfriend, pano naman kaming hirap magkakotse dito pa sa pinas matagal ang lifespan ng mga kotse at di basta basta pinamamana sa mga anak, tapos mahal pa ng gas. haaaaay


Ang mga astig naman


What i like about this movie is it brings back memmories, specially dun sa toy part. Kung naalala nyo dalawa ang bumibili nang transforming toys, isa yung transformers at isa yung challenge of the gobots. Isa ako sa bumibili ng challenge of the gobots toys sa kadahilanang mas mura ito at dahil mas mura ito.


Mga Katanungan


Kung si Megatron ay matagal ng nakatago sa america, sa kanya ba nakuha ang salitang illegal alien at overstaying alien? Pero diba dahil sa sobrang tagal nya na sa America pwede na sya kumandidato, kasi pwede syang gawing naturalized citizen?


Rating natin (isa hanggang lima, lima ang pinakamataas)






How I came to own this Special Edition DVD is one of life's pleasant surprises. A Marketing firm from the US came across my blog and wrote me asking if I would be interested in doing a review of the 20th Anniversary Transformers DVD. Do I ever! So a DVD was sent over to me. [Actually, I nearly failed to receive a copy because one was sent to me last year (2006 was the 20th anniversary) but not having received their package after about 3 months, they decided to send me another. Whew! Post office people... where's the first DVD!?!]

Anyways, that weekend I watched the movie in both widescreen and full screen versions including the special feature where snippets of trivia are displayed while the movie is playing (called easter eggs). And then I watched the bonus features. Is it obvious that I was hyped when I got hold of the DVD? I hope not. haha.

First off, the packaging is cool. The front design was a "holographic" (I don't know how to call it) photo. View it from an angle and you see Optimus Prime and allies; from another angle you see Rodimus Prime and friends. It is essentially, a representation of what the movie is all about: a transition from Gen1 to the new characters.

The restoration done on the movie is awesome. The colors are brilliant, the picture sharp. It's like seeing the movie in a new light, versus the VHS copy (which I have, but I suspect molds have gotten to it already). The death of Optimus Prime is still as heartbreaking today as it was when my younger self first saw this movie.

It was Transformers that broke the unwritten rule that nobody dies in American cartoons. Or is it a reflection of its Japanese heritage, where death is not uncommon in anime? At any rate, its effect on the 80s generation is recounted a number of times in this DVD. Many kids cried in the cinemas, others left without finishing the movie, the publisher got a barrage of complaints and letters of outrage from kids and parents alike. It was indeed a very daring move for the famous Transformers series at that time.

I learned later on in the bonus section that this public reaction affected the way the G.I. Joe movie ended, where a leading character was also supposed to die.

Speaking of the bonus section... it's a treasure trove for Transformers enthusiasts on facts, interview, and fun trivia. It was, for example, interesting t0 learn that Mr. Orson Welles (the voice behind Unicron) died a few months after he lent his voice to the movie. His role as a planet-eating planet was ultimately going to be his last role for the movies before moving on. Another interesting trivia I learned was that G.I. Joe and Transformers, two of the high-ranking cartoons at that time, shared talents. For example, StarScream and Cobra Commander of G.I. Joe had the same voice actor. An episode aired only in Japan also showed a transition of sorts from the TV series to the movie, something that was never aired on American soil, but is now included in the DVD.

Lots, lots more to discover in the bonus section, including toy commercials and TV spots for the movie.

The advertisements for the toys really brought back a lot of childhood memories. Saturday Fun Machine would not be complete without the American kids playing with these action figures and it would make you really, really want to own one.

Overall, the Transformers 20th Anniversary DVD is a must-have for Transformers enthusiasts, for people from the 80s, for toy collectors, for kids today who appreciate their cartoon history, for those who will watch the Michael Bay film starting today, for those who want to own a piece of animation history, for the kid at heart. It's one adventurous ride!

Movie poster photo credit: Soundtrack Collector

300



Ang pelikulang 300 ay base sa nobela ni Frank Miller sa kanyang interpretasyon sa naganap na digmaan sa Thermopylae sa pagitan ng mga spapartans at mga evil persians na pinamumunuan ni mother xerxes and its solid gold dancers.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikulang eto at malaki ang kinita kahit maliit lang ang budget:

una wala masyadong sikat dito sa pelikulang eto,

Pangalawa pulos special effects lang ang ginamit dito,

pangatlo ang mga costume naman ay pulos tuwalyang pula lang, brief at tsinelas ang pinasuot ng mga spapartan. mayhawak na palanggana at panungkit ng sinampay. Kung iyong iisipin mukha lang silang maglalaba. buti nalang suot nila ang kanilang malupit na helmet na ginagamit nilang pang walis sa bahay.

Pang-apat, karamihan ng cast nila pipi at yung iba walang dialogue, tsaka yung mga pinagkukuha nga nung mga Arcadian na warrior hindi tutuong mga artista nung tinanong yung iba karpentero yung iba gumagawa ng palayok, yung iba pintor ng bahay. Yung sa spapartans naman mga pipi kasi nung tinanong nag si kahol ba naman. pansin nyo rin

Ang mga astig naman

Marami ang nagandahan sa mga fight scene pero kaya pla magaling sila leonidas kasi mabagal pala kumilos yung kalaban, naka slow mo kaya. Pero kahit anong galing nila masyadong madami yung evil persians, pano naman di dadami eh pag namamatay daw bumabangon ulit, para yung mga hapon dun sa palabas ni FPJ yung the one na namatay siya pero di pinakita kasi bawal siya mamatay sa pelikula. (well diko alam ang title). Tsaka di nyo napansin yung mga immortals magkakamukha. Kaya ang tagal maubos pag namatay yung isa, babangon tapos pupunta lang ulit sa likod tapos lalaban ulit. and daya dba.

Mga intriga

May nababalita na di naman sila 300 talaga una pinauwi nila si Faramir para gumawa ng kwento, tapos sabi nung barkada ko binilang daw niya yung pares ng paa di naman daw umabot ng 300. Naguluhan din ako bakit andun si golum at si faramir kala ko tuloy yung 300 part 4 ng lord of the rings.

warning
Ang pagbabasa nito ay maaaring magdulot sa iyo ng ibang pananaw sa buhay. Ito naman ay mga opinyon lamang namin kung di mo gusto ay gumawa ka ng sarili mo

Spiderman 3



Spiderman 3. Pangatlo at pinaka maganda dahil tatlo ang naging kalaban ni spiderman dito, Yun ang isa sa dahilan kaya spiderman 3 ang title, Tatlo kasi kalaban nya dito, si Green Goblin (Harry), Venom at Sandman.

Pero yung poster mali, kasi kung mapapansin mo dalawa si spiderman, isang black and red. dapat ito yung ginamit nilang promotional material sa spiderman 2, dahil dalawa ang spiderman. tama ba ako?

Okay naman ang movie na ito pero napansin ko lang na napakaliit ni topher grace para siya ang gumanap na venom. Medyo okay sana kung malaki laki ng konti. Plus bakit yung butler sa huli na nagsalita. matapos yung dalawang movie tsaka lang niya sinabi kay harry na hindi si spiderman ang may kasalanan. Kamuntik muntikan na mamatay si harry at sira na ang gwapong mukha bago nya sinabi.

Tingin kolang isa rin sa tagapagmana ang butler at gusto nya masolo ang kayamanan. Buti pa si alfred yung butler ni batman loyal.

Tsaka di ko feel si maryjane ha masyado siyang selosa, mag boboyfriend sya ng superhero tapos gusto nya siya lang sinisave. Tapos pag may sinave na iba tapos may kikiss para mag pasalamat magagalit siya, hello wala siyang karapatan, kaya siya natanggal sa trabaho kasi bida bida siya eh.

Yung mga astig naman

okay yung mga fight scene, gwapo ni harry, okay yung mga effects, galing nang pagkakagawa kay sandman at kay venom, ang gwapo ni harry, di na kakaboring ang istorya lahat ng eksena ay masaya at punong puno ng aksyon.

Ang Katanungan

sino kaya mananalo kay spierman at gagamboy?

warning

Ang pagbabasa nito ay maaaring magdulot sa iyo ng ibang pananaw sa buhay. Ito naman ay mga opinyon lamang namin kung di mo gusto ay gumawa ka ng sarili mo


Fantastic four rise of the silver surfer ay ikalawang movie ng seryeng fantastic 4, at kung ako ang tatanungin malamang ay abutin ito ng hanggang apat, sayang naman andun na sa titulo nila kaya dapat gamitin nila.


Sa aking pagkaka alaala dun sa naunang movie nito, nakaramdam ako ng malaking saya dahil makakapanuod nanaman ako ng sine na galing sa komiks pero ako ay higit na nadismaya sa mga kinuha nilang karakter.

Una masyado nilang pinaganda si invisible woman at pina bata, pero dahil seksi si jessica alba okay narin.

Si thing, mas gumanda sana kung mas pinalaki ng konti si thing nag mukha kasi siyang pungok eh. wala siyang pinagkaiba sa mga tambay sa amin na malalaki ang katawan na tagabuhat sa pier. Kaibahan lang siguro si thing mukhang tae. Oo nga pala yung tae ba ni thing bato rin? eh yung ihi nya buhangin ba? Tsaka yung ano nya ba laging matigas? Kung sa pilipinas yan si thing tawag dyan boy tigas o kaya boy bato.

Tapos nung pina nuod ko ito (PART 1) naalala ko dun sa part na hiniwalayan si thing ng gf nya, para bang nagalit yung mga nanunuod yun bang parang galit sila sa girl for breaking thing's heart. Nakngputsa naman magpakatotoo nga kayo sister kung yung boyfriend nyo ba mukhang paa na nagbibitak bitak okay lang sa inyo. PRA KANG HUMAHALIK SA KALYO NYAN EH.

Dun na tayo sa part 2 napansin nyo ba na parang nagmamadali si invisible girl ikasal, tapos naiisip ko oo nga no! na eextend nga pala lahat ni mr fantastic ang lahat ng part ng katawan nya. Eh kahit nasa kabilang kwarto si Mr Fanatastic pwede sila mag do ni invisible girl eh, san kapa.

Pero napaka korny nung ginawa nila kay galactus, para siyang usok na galing sa isang lumang bus sa edsa na bumabiyahe ng fairview - baclaran.


Yung mga astig naman

Astig yung pag kagawa kay silver surfer, siyang sya yun. kaso nung nawala yung board nya nagmukha siyang bakal na kalawangin. parang nagmukha siyang tinubog na singsing na nawala ang coating.

Okay din yung fantasticar kaso mas astig yun kung magkakaiba ng plate number pag naghihiwalay kasi chi nek ko nung naghiwalay hiwalay puro 4 yung ending kaya di nila magamit tuwing tuesday kasi coding.



warning
Ang pagbabasa nito ay maaaring magdulot sa iyo ng ibang pananaw sa buhay. Ito naman ay mga opinyon lamang namin kung di mo gusto ay gumawa ka ng sarili mo

Newer Posts Home